Tuesday, March 29, 2011

Congratulations Theo

Hindi ko alam pa'no sisimulan 'to,
       Hindi ko kasi alam kung magugustuhan mo,
Basta congratulations para sa 'yo,
Dahil natapos mo na ang iyong kurso.




Ewan ko kung matutuwa o malulungkot ako,
       Sapagkat aalis ka na kaibigan ko,
Panibagong landas na ang tatahakin mo,
       Samantalang maiiwan ako sa kalsadang mabato.




Theo, maraming salamat sa 'yo,
       Dahil lahat ng laban ngayon nakaya 'ko,
Dahil iyon sa tulong at iyong payo,
       Ikaw na ata bagong bff ko.




Pasensya ka na kung wala akong regalo,
       Alam mo na gipit tayo,
Di bale may pagkakataon pa naman siguro,
      Hintay lang hanggang ako'y magkatrabaho.




Hindi ko malilimutan ang mga linyang ito,
     "Mana, ay paghulat sakit mo dumuro!" *
"Migs alayon abrehi ako.." **
     "Ay gad pagsusugad (umiiyak) hito!" ***
 Talas ng memorya ko natatawa kasi ako.



Sa iyo ko nalaman,
      Kahulugan ng isang tunay na kaibigan,
Na sa lungkot at ligaya laging nariyan,
      Laging tinatanong pano mo ko matutulungan.




Ipinagmamalaki kita aking kaibigan,
     Dahil sa mga nakamit mo sa iyong larangan,
Ikaw ay larawan ng kagalingan at karunungan,
     Hindi lamang sa palakasan.




Kapag may maganda ka ng trabaho,
     Dapat ilibre mo ako,
Pagkaing hindi pa natikman 'ko,
     Tulad ng calamares sa kanto.




Ang akin lamang payo,
    Huwag na huwag kang magbabago,
Dapat kapag magkita ulit tayo,
    Ikaw pa rin ang nakilala kong Theo.




Sakali mang malimutan ang blog na ito,
    Huwag kang mag-alala lagi akong nandito,
Laging ipapaalala na ikaw ay mahalagang tao,
    Dahil mas mahal pa kita sa bestfriend ko...




Congrats uli para sa 'yo!

No comments:

Post a Comment